Post Top Ad

Post Top Ad

MANILA, Philippines – Pinagtanggol ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang sobrang late high-level briefing ng gobyerno.

Ang mga high-level briefing na ito ay dapat ginagawa bago pa man pumasok ang bagyo para siguradong coordinated ang lahat ng ahensya sa pagresponde.

READ MORE: VP Leni, Nakapamigay na ng Relief Goods Bago Pa Man Dumating ang Bagyong Rolly

Ngunit nakapagmeeting lang ang gobyerno limang oras matapos pumasok at bayuhin ng Bagyong Rolly ang napakaraming lugar sa southern Luzon.

Ayon kay Roque, hindi daw sila dapat sisihin dahil kahit Linggo daw ay pumasok sila.

Well, dahil inaasahan natin ‘yung landfall kahapon ‘no at saka, sa totoo lang po, araw ng Linggo po ‘yun, pero maski araw ng Linggo nandito po lahat ng kalihim para nga po iparating ang kahandaan ng gobyerno sa pagbibigay ng tulong doon sa mga nasalanta,” depensa ni Roque.

Duterte, Missing in Action Pa Rin

As of posting time, hindi pa din nakikita si Pangulong Duterte.

Matatandaan na nagtrending kahapon ang #NasaanAngPangulo dahil absent kasi sa videocall man lang si Pangulong Duterte sa mga crucial na briefings ng gobyerno.

READ MORE: Duterte, ‘Tulog Pa’. Hindi Nakadalo sa Bagyong Rolly High-Level Briefing – Sources


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad