Sa Inilabas na results ng OCTA research , muling nanguna ang anak ng dating diktador, Bongbong Marcos sa ginanap na survey mula Pebrero 12 hanggang Pebrero 17. Nagkamit siya ng may taas na 55%. Sinundan ito ni Leni Robredo na may 15%, Isko Moreno(11%), Manny Pacquiao (10%) at senator Panfilo Lacson na may 3%.
Sa kabilang banda nangunguna rin ang ka-tandem ni Marcos na si Sara sa pagka-bise presidente na may 43% at sinundan ni senate president Vicente Sotto III na may 33% , senator Francis Pangilinan(10%) at Doc. Willie Ong(7%).
Pagdating naman sa Senatorial bid, una sa listahan si Loren Legarda na sinundan ni Raffy Tulfo (63%) , Taguig city rep. Allan Cayetano (61%), senator Miguel Zubiri (60%) ,Sorsogon governor Chiz Escudero(59%) at dating Public Works secretary Mark VIllar(56%).
Ikapito sa listahan ay si Robin Padilla na may 43% na sinundan ni Sherwin Gatchalian at dating Vice President Jejomar Binay na parehong may 39% , reelectionist Risa Hontiveros (38%) ,dating senador Jinggoy Estrada(27%) at kanyang kapatid na si JV Ejercito (35%).
Matatandaan na nasangkot sa maraming isyu ang grupong OCTA Research dahil sa mga hindi kapani-paniwalang projections nito tungkol sa COVID surges. Marami ring mga senador at eksperto ang kumukwestiyon sa kredibilidad ng grupo kung kaya’t ang mga poll survey tulad na lamang nito ay mahirap gawing basehan upang tukuyin ang tunay na pulso ng tao.
No comments:
Post a Comment