Taong 2019 nang masangkot si Jonvic Remulla, Gobernador ng Cavite ngayon sa vote-buying.
Sa isang operation ng CIDG, nadakip ang sampung tagasuporta ni Remulla dahil ‘di umano sa pamimigay ng pera kapalit ng boto para sa kandidato. Dahil sa isang tip na natanggap ng pulisya agad nilang ni-raid ang isang bahay sa barangay Zapote V, Bacoor , Cavite.
Nakuha sa mga suspek ang mga brown envelope na may lamang tig-200 pesos at tinatayang 83,000 ang halaga. Inamin naman ni Remulla na tauhan niya ang mga ito ngunit hindi sila namimili ng boto kung hindi ay namamahagi ng allowance para sa mga watchers na nagte-training. Ang kaso ay ipinaubaya ng Comelec sa pulisya.
Kumakailan, maingay na nagparatang ang kapatid ni Jonvic Remulla na si Jesus Boying Remulla sa naganap na grand rally ng kampo ni Robredo. Kanya niyang sinabi na namudmod ang mga ito ng tig 500 piso sa lahat ng dumalo at naghakpt lamang ng supporters mula sa ibang lugar.
Ang akusasyong ito ay walang katotohanan. Kung pagbabasehan ang nakaraan, may resibo na ang mga tao sa kung sino ang tunay na bumibili ng boto.Tila ang gawaing ito ng mga Remulla ay ipinapasa nila sa iba.
No comments:
Post a Comment