Walang bahid ng katotohanan ang isang impormasyon tungkol kay dating diktador Ferdinand Marcos na kumakailan ay kumakalat sa social media.Ayon sa isang bidyo, ang diktador daw ang nagpagawa ng mga circumferential roads na ginagamit ng milyun-milyong tao sa ngayon.
Ang bidyo ay in-upload sa facebook page na Bongbong Marcos for President 2022 noong Setyembre 2021 at may caption na “Build, Build, Build ng dating pangulong Marcos”.
Dito sinabi lahat ng mga imprastraktura na Ipinagawa ni Marcos kabilang na ang circumferential roads C1-C10 at ang pinaka kilala natin dito na C5.
Ayon sa fact check na ginawa ng Rappler, napag-alaman na hindi si Ferdinand Marcos Sr. ang nasa likod ng mga circumferential roads na ito kung hindi ay ang bansang Estados Unidos.
Ito ay bahagi ng proyektong Metropolitan Thoroughfare Plan sa pangunguna nina Louis Croft at Antonio Kayanan bilang paghahanda sa pagpapalawak ng kalakhang Maynila,
Sa kasalukuyan limang circumferential roads lamang ang natapos sa orihinal na planong nakalaan dito.Ang C1 at C2 ay pawang mga lumang daan na unang nabuo nang simulan ang proyekto habang ang C3 ay hindi na nagawa dahil sa Skyway Stage 3 at ilang connector roads sa NLEX-SLEX.Ang C5 naman ay sinimulan noong 1994 at natapos ang extension nito noong 2019. At ang pinakabago ay ang C6 na sinimulan noong 2018 at kasalukuyan pa ring tinatapos.
No comments:
Post a Comment