MANILA, Philippines – Dismayado ang mga alkalde at ilang business leader sa pabago-bagong desisyon ng Gobyerno patungkol sa quarantine classifications sa Metro Manila.
Nagpahayag ng sobrang pagkadismaya sina Mayor Joy Belmonte ng Quezon City at Mayor Isko Moreno ng Manila, nagulat umano sila ng biglang bawiin ng IATF ang pilot implementation ng GCQ with alert level system. Pinulong na umano sila para ipaliwanag ang Alert Levels pero maging sila umano ay nalito rito.
Ayon naman kay Mayor Teodor ng Marikina, dapat umano malinaw ang implementing guidelines para maiwasan ang mga ganitong situasyon at kalituhan sa mga tao.
Si San Juan City Mayor Francis Zamora naman ay nangako na susunod sa utos ng IATF subalit kinuwestyon ang alert level na ibabase sa bilang ng covid cases sa bawat LGU.
Aniya, dapat isang alert level lang ang ipatupad sa buong NCR.
Aminado naman ang National Task Force against COVID-19 na kinulang sa paghahanda ang gobyerno.
Tuloy naman daw ang hilaw na systemang ito ng IATF. Aayusin muna umano ito bago ipatupad.
ALSO READ: https://ift.tt/3FvI61b
No comments:
Post a Comment