Post Top Ad

Post Top Ad


MANILA, Philippines Hinimok ng Women Lawyers for Leni si VP Leni na tumakbo ito bilang Pangulo sa darating na Halalan 2022. Hindi na raw makatarungan kung kasalukuyang administrayong Duterte at mga alipores nito ang mananalo sa susunod na eleksyon.

Ayon sa inilabas na pahayag ng grupo, kailangan nang matigil ang pagsasawalang-respeto ng Duterte admin sa buhay ng tao at sa pagiging Pilipino. Kailangan na rin daw matigil ang pagiging walang isang salita nito. Sinabi rin nila na kailangan nang mabawi ang ating sariling bansa hindi lamang sa China pero maging sa gobyernong nagbenta sa atin.

ALSO READ: China, Tuluyan nang Sinakop ang Spratlys sa Kabila ng COVID. Duterte, No Comment Pa Rin.

Anila, ang darating na halalan ang tiyansa ng mga Pilipino upang mabago na ang bulok na sistema. Mababago lamang natin ito kung hindi na natin iboboto ang mga “walang hiya” at “puro yabang” na mga opisyales ng kasalukuyang administrasyon. Ngunit, hindi raw natin ito magagawa kung hindi tayo magkakaroon ng isang matinong presidential candidate sa 2022.

Kung kaya, kumakatok ang Women Lawyers for Leni sa bise-presidente para lumaban sa Halalan 2022 bilang pangulo ng bansa. Si VP Leni raw ang ating “rallying point” sa darating na eleksyon.

“Kung lalaban ka, ipaglalaban ka namin,” sabi pa ng grupo. Dagdag pa nila, nakita ng bansa sa loob ng 5 taong pagkakaupo ni VP Leni ang maganda nitong serbisyo sa publiko sa kabila ng samu’t saring pambabatikos at paninira ng administrasyon at alagad nitong trolls.

READ MORE: Pro-Duterte/Marcos Trolls, Overtime sa Pagpapakalat ng Fake News Laban Kay VP Leni.

Aniya pa ng Women Lawyers for Leni, wala raw nag-akala noong 2016 na mananalo si VP Leni, ngunit pinatunayan nito na mali ang mga pagdududa sa kaniya. Kaya muli nating manalo nang may pagkakaisa para sa IISANG presidential candidate.

“Panahon na upang tayo ay tumindig at marinig. Bawiin ang Pilipinas at i-angat ang Pilipino mula sa laylayan ng Lipunan. Ang halalan nang 2022 ang natatanging paraan upang mailigtas ang sambayanan,” huling sabi ng grupo.

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad