MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta si Senatorial candidate Loren Legarda sa mga programa ng gobyerno na naglalayong magbigay ng mga oportunidad sa trabaho sa mga Pilipino sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ng Deputy House Speaker na ang mga programa tulad ng Tulong Panghanapbuhay ng Department of Labor and Employment sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (DOLE TUPAD) ay isang malaking tulong sa mga Pinoy na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya.
Ang TUPAD ay package assistance ng DOLE na nagbibigay ng emergency na trabaho para sa mga displaced worker, underemployed at seasonal na manggagawa.
Sa ilalim ng TUPAD, maaaring gawin ng mga manggagawa ang isang gawain sa kanilang mga barangay sa pamamagitan ng paglilinis, pagkukumpuni, o pagtatanim ng mga puno sa loob ng 10-30 araw.
Nangako rin ang nakaka-tatlong terminong Senador na patuloy na tutulong sa mga tao tulad ng ginawa niya sa kanyang sariling probinsiya kung saan nakapagbigay sila ng pagkakakitaan sa mga mamamayan nito sa kabila ng mga hamon.
No comments:
Post a Comment