MANILA, Philippines — Sinuspinde ni Vice President Leni Robredo ang COVID-19 response programs ng kanyang tanggapan habang hinihintay ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) sa kanyang kahilingan na payagan ang mga programa na magpatuloy sa gitna ng campaign period.
Nauna rito, hiniling ni Robredo, isang presidential aspirant, sa Comelec kung ang mga sumusunod na COVID-19 response programs ay maaaring ma-exempt sa election ban kapag nagsimula na ang campaign period sa Pebrero 8:
-Bayanihan E-konsulta
-Vaccine express
-Swab Cab
-Medical assistance program
“Humihingi kami ng exemption dito kasi kahit bumaba na ‘yung kaso ay nakita namin kung ano ‘yung number ng humihingi ng tulong sa ‘min everyday. Kapag hininto kasi ‘to, ‘yung iba, walang mapupuntahan. So, hopefully mabigay ‘yung exemption para maka-resume na tayo,” pagpapaliwanag ni VP Leni.
Nangako ang bise presidente na hindi siya bibisita sa COVID-19 response activities, sakaling pagbigyan ng Comelec ang kanyang kahilingan.
Dagdag pa niya ay nag-redesign sila ng logo ng para hindi ito maidikit sa kanyang pangangampanya.
Nauna nang nangako si Robredo na magiging “on top of everything” sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19, sakaling siya ay mahalal bilang pangulo.
No comments:
Post a Comment