Hindi lang kaban ng bayan ang ninanakaw ,pati katha at sining.
Iyan ang ibig iparating ni Rowil Castillo Mandane sa isang facebook post kung saan mariin niyang kinondena ang paggamit ng isang tula sa campaign rally ng Uniteam sa Marikina.
Ang tula ay isinulat ng isang spoken word artist na si Kenma at may titulong “Mensahe mula sa Bata”. Ito ay katha na nakalaan para sa Museo de Filipino,isang Tik Tok trend kung saan ipinapakita ang mga kasaysayan at kultura ng Pilipino.
Ayon sa sumulat ng tula, wala raw umanong permiso o acknowledgment man lang ang kampo ng Uniteam sa paggamit ng kanyang katha. Hindi rin daw nabigyan ng hustisya ang tula dahil sa maling pag-deliver nito.
Makikita sa post ang mga resibo ng pag-uusap ni Rowil at ni Kenma. Labis na nadismaya ang makata at ilan pang artist dahil sa pangyayaring ito.
Nanawagan naman si Castillo ng direktang apology mula sa Uniteam dahil sa insidente.
No comments:
Post a Comment