Ang pagkawala ni Marcos sa nakaraang Presidential Debate ay nag-iwan ng maraming katanungan sa publiko tulad na lamang ng “Nasaan ka sa kasagsagan ng pandemya at kung bakit ka tumatakbo sa pagkapangulo.”
Maaring nagpapakita lamang ito na ayaw ma-pokus ni Marcos sa kanya ang atensyon ng lahat lalo na’t sa dami ng isyung hindi niya sinasagot.
“He has the frontrunner’s privilege. Since he’s not really a good debater, I think his strategy now is less talk, less mistakes,” sabi ni John Nery, isang kolumnista ng rappler.
Tila tikom naman ang ibang kandidato sa pagkawala ni Marcos sa debate. Tanging si Robredo lang ang nagpahaging tungkol dito.
“‘Yung number one ingredient din ng leadership, aside from character, is you show up in the most difficult times. ‘Pag hindi ka mag-show up in the most difficult times, hindi ka lider,”
pagbibigay diin ni Robredo sa hindi direktang pagtukoy kay Marcos.
Samantalang nagpokus naman sa kani-kanilang plataporma sina Senator Manny Pacquiao at Panfilo Lacson. Gayon din si Isko Moreno na inilatag ang kanyang islogang “buhay at kabuhayan.” Habang binigyang atensyon naman ni Leody De Guzman o Kaleody ang mababang sahod ng manggagawa at mataas na presyo ng bilihin.
No comments:
Post a Comment