Hindi aabot sa milyon ang taunang sahod ng isang presidente noong panahon ni Ferdinand Marcos habang ang isang minister ay mas mababa pa ang kinikita kaysa sa pangulo.
Kung kaya’t nakapagtataka kung bakit bilyong piso ang natuklasang yaman ng pamilyang Marcos nang ito’y mapatalsik sa Malacanang.
Mula sa mamahaling koleksyon ng sapatos,lupain paintings, collections at mga secret bank accounts na nagkalat sa iba’t ibang panig ng mundo hindi lubos maipaliwanag kung paanong nagkaroon ng ganitong kalaking kayamanan ang pamilyang gayung mas mataas pa ito kaysa sa kanilang sinasahod.
Matapos ang higit na tatlong dekada mula nang mapatalsik ang pamilya, milyun-milyon pa rin ang hindi pa nababawing nakaw na yaman mula sa mga ito.
At ngayon nga’y sa darating na halalan, muling tumatakbo si Bongbong Marcos na ngayo’y’ frontrunner sa pagka-pangulo. Isang indikasyon na maaaring hindi na kailanman makakamtan ng Pilipinas ang hustisya mula sa mga pagnanakaw at pang-aapi ng mga ito ilan taon na ang nakalilipas.
Ayon kay Ruben Carranza, dating pinuno ng Presidential Commission on Good Government, ang tanging layunin ng mga Marcos ay malinis ang kanilang pangalan at makabalik sa mga katiwaliang nagpahirap sa mga Pilipino at nagpayaman sa kanilang pamilya.
No comments:
Post a Comment