Post Top Ad

Post Top Ad

Department of Tourism unveils new campaign

MANILA, Philippines —Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang Department of Tourism (DOT) dahil sa pag-iimbak umano nito ng P52-M halagang promotional materials sa kanilang bodega na nagresulta ng pagkasira, at pagkaluma nito.

Tumanggap rin ng notices for disallowances ang ilang ahensya sa ilalim ng DOT para sa disbursement ng P1.56-B sa ilang procurements at P80.65 milyon na mga grant of financial sponsorship na may kakulangang sa mga dokumento.

Binalaan din ng COA ang iba pang ahensya, “Refrain from procuring promotional materials and giveaways until the undistributed/unutilized items have been distributed to intended recipients,” sabi nito.

ALSO READ: Risk Pay ng mga Pinoy Nurse, Hindi Priority ni Duque

Dapat umanong’ maging maingat ang DOT sa procurement ng promotional materials at giveaways dahil malaking pera ang nasasayang sa pondo ng gobyerno.

Sunud-sunod nga ang pagsisiwalat ng COA sa mga ahensyang may kwestiyonableng financial report.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring paliwanag ang Department of Health (DOH) sa P67 billion deficiencies nito na binunyag ng COA.

ALSO READ: Duque, Gusto na Sibakin sa Puwesto!


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad