Post Top Ad

Post Top Ad

MANILA, Philippines – Patuloy ang pagtaas ng mga Pilipinong lumalapit at nanghihingi ng tulong mula sa Bayani E-Konsulta ng Office of the Vice President. Pumalo na sa 400 cases per day ang lumalapit kay VP Leni, higit 300% na pagtaas.

Dahil sa kakulangan ng staff at budget, mismong si VP Leni na ang isa sa tumatao at sumasagot ng mga tawag sa E-Konsulta.

Kadalasan, ang shift umano ni VP Leni ay simula 11pm hanggang umaga.

E-Konsulta' na pinamunuan ng opisina ni VP Leni, namimigay ng libreng 'COVID kits' - Bangon Bayani

“Nakatutok na po ‘yan sa emergency thread namin tsaka sa LGU referral thread para kung meron talagang emergency na mangyari, kailangan i-facilitate agad sa ospital or itawag sa local government unit para rumesponde at makatugon dun sa pangangailangan ng pamilya o pasyente” dagdag pa ni Dy.

Ang Bayani E-Konsulta ay isang platform na sinimulan ng Office of the Vice President kung saan maaari kumunsulta ang mga tao deretso mula sa mga doctor sa pamamagitan ng chat at tawag. Binibigyan din ng COVID kit care ang mga naturang pasyente.

Lahat nang ito ay libreng ibinibigay ng OVP kahit na sila ang isa sa may pinakamaliit na budget sa lahat ng ahensya ng gobyerno.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad