Manila, Philippines — Pinagbibitiw na ng 14 senador si Department of Health Secretary Francisco Duque, III. Ito ay sa kabila ng kontrobersiya sa COVID-19 budget ng ahensya.
Ayon sa mga senador, hindi nagagampanan ni Duque ang mga tungkulin bilang kalihim ng DOH. Kitang-kita rin ang kapabayaan ng kalihim sa panahong nakaupo ito sa puwesto.
Nirerespeto naman daw ni Duque ang opinyon ng mga senador, pero kay Pangulong Duterte lamang daw ito susunod. “I serve at the pleasure of the president,” dagdag pa ni Duque.
Matatandaan na nitong linggo ay pumutok ang balita ng Commission on Audit (COA) tungkol sa P67 billion deficiencies ng DOH. Samu’t saring pambabatikos ang inabot ng ahensya lalo na kay Duque dahil sa garapalan pagnanakaw na ito.
READ MORE: Risk Pay ng mga Pinoy Nurse, Hindi Priority ni Duque
Samantala, sa ngayon ay wala raw itong balak magbitiw sa pwesto at patuloy na pamumunuan ang DOH at IATF hangga’t nagtitiwala sa kaniya ang pangulo.
Kabilang naman sa mga senador na naghain ng resolusyon sina Senate President Vicente Sotto III, Majority Leader Miguel Zubiri, Nancy Binay, Joel Villanueva, Imee Marcos, Gwen Gatchalian, Bong Revilla, Ping Lacson, Sonny Angara, Grace Poe, Francis Tolentino, Manny Pacquiao, Ronald Dela Rosa, at Lito Lapid.
No comments:
Post a Comment