Post Top Ad

Post Top Ad

Manila, Philippines —Bukod sa mababang pasahod at di’ makataong work condition, wala pa rin umanong natatanggap na hazard pay sa mga nurse sa Pilipinas. Nasa 16 ospital pa raw hanggang ngayon ang hindi nakakatanggap ng “risk pay.”

Kabilang sa nasabing ospital ang Chinese General Hospital, Delos Santos Medical Center, Metropolitan Medical Center, Pasig City COVID Referral Center, Our Lady of Lourdes Hospital, San Lazaro Hospital, at St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at Bonifacio Global City. Kasama rin sa mga ito ang mga nurse sa Ace Medical Center sa Cebu, Alcala Municipal Hospital sa Cagayan Valley, Camiguin General Hospital, Cebu Provincial Hospital sa Danao City, Dagupan Doctors Villaflor Memorial Hospital, Divine Word Hospital, at Pampanga District Hospital. Hindi pa rin nakakakuha ng kanilang risk pay ang mga nurse na nadeploy sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at District Hospitals sa Cebu.

Sigaw nila ang kawalan ng pagpapahalaga ng mga taong isinasaalang-ala ang pansariling kaligtasan para makapagbigay-kalinga.

Ilang beses na rin nagtungo ang mga grupo ng medical frontliners sa gobyerno para sa kanilang Special Risk Allowance (SRA), active hazard pay, at other benefits ngunit wala umaanong budget ito para sa kanila.

Sinabi naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na tanging mga health care workers lang na may direct contact sa COVID-19 patients ang makakatanggap ng SRAs.

Binatikos naman ni Senator Risa Hontiveros si Duque patungkol sa DOH’s pandemic funds na dapat nakalaan para sa mga nurses sa bansa. Kinuwestiyo nito kung saan napupunta ang budget ng ahensya.

Mayron umanong P12 billion na nakalaan para sa benefits ng mga medical frontliners katulad ng SRA and active hazard pay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagagamit.

Kitang-kita umano na walang kaayusan at palpak na paraan ng gobyerno sa krisis pangkalusugang at ang lalong higit na naaapektuhan ay ang medical frontliners sa bansa.

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad