Sinong mag-aakala na dahil sa isang pelikula, napagdesisyunan ni Marcos tumakbo sa pagka-presidente. Ito ang kwento ng kanyang asawa na si Liza Araneta-Marcos sa isang panayam kay Boy Abunda gabi ng miyerkules.
“You know, six months ago, he wasn’t yet sure what to do, he had no party. And then one day, we were watching ‘Ant-Man’ in the room, because we love Marvel movies, and then he looked at me and he goes, ‘Okay, we’re gonna do this,’ he told me” sabi ni Liza
“I said, ‘do what?’ ‘Run for the presidency,’ [he responded],” dagdag pa niya.
Nabahala si Liza sa desisyong ito ni Marcos sapagkat hanggang ngayo’y hindi pa rin nila matanggap ang pagkatalo nito taong 2016 sa pagka-bise presidente.
“Also, I didn’t want him to get hurt because you know in 2016, when he lost [in the vice-presidential elections], it was really a painful experience for him and he was like, ‘wow, what happened?’,” kwento pa ng asawa.
Ang Ant Man ay isang pelikula sa ilalim ng Marvel Studios. Ito’y tungkol sa isang magnanakaw na naging superhero. Tila ganito ang gustong mangyari ni Bongbong Marcos sa kabila ng mga bilyung pisong ninakaw ng kanyang pamilya. Nais niya ng kapangyarihan upang malimutan ng tao ang kasalanang ito o hindi kaya’y dagdagan pa kapag naupo na sa pwesto.
Sa kabilang banda, parang ang hirap isipin na ituring na bayani ang isang magnanakaw.
No comments:
Post a Comment